Binira ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor ang ilang senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito’y matapos sabihin ni Senator Juan Miguel Zubiri na mistulang witch-hunt ang impeachment.
Giit ni Defensor, dapat munang pakinggan at suriin ang ebidensya bago sabihing “Witch-hunt” ang impeachment o hindi patas na paghusga sa isang lider.
Aniya hindi dapat nagpapahayag ng ganitong komento ang mga senador na uupong hukom sa trial lalo’t inaasahan silang neutral at walang kinikilingan.
ADVERTISEMENT
Paalala pa ni Defensor desisyon ng higit 215 na mga mambabatas ang impeachment kaya hindi ito maituturing na politikal na pang-uusig lamang.
Iginigiit ng mga mambabatas na dapat managot sa batas ang umano’y pagsasayang ng confidential funds ng isang lider ng bansa maging ang paglabag umano sa konstitusyon ng opisina ni Duterte.

