Garbage truck, sumalpok sa bahay at tindahan; Driver, patay

๐Ÿ“…  |  โœ๏ธ Updated
Photo courtesy: Rod Ojopsed

Patay ang isang garbage truck driver matapos bumangga ang kanyang minamanehong truck sa isang bahay at tindahan, kahapon sa Mabuhay Homes, Brgy. Darangan, Binangonan, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Cholan Binala, 43-anyos, tubong Isabela.

Ayon sa mga residente, bigla na lang silang nakarinig ng malakas na pagsabog.

Nadamay din ang kanilang mga alagang aso, kung saan isa ang namatay habang isa pa ang nagpapagaling sa veterinary clinic dahil sa internal bleeding.

ADVERTISEMENT

Aabot sa P500,000 ang tinatayang pinsala sa bahay, habang P100,000 naman ang nasira sa katabing tindahan.

Sa isang panayam, sinabi ni Elma Abala ng Barangay Darangan, una nilang inakalang tumakas ang driver pero natagpuan nilang naipit ito sa loob ng truck.

Dahil sa malakas na ulan, pasado alas-8 na ng gabi natanggal ang naturang sasakyan.

ADVERTISEMENT

Samantala, lubos naman ang pagdadalamhati ng pamilya ng biktima.

 Ayon sa kanyang kinakasama na si Lilybeth Acebedo, si Cholan lang ang bumubuhay sa kanila.

ADVERTISEMENT