News LightLatest News

Dating Pangulong Duterte, nagbigay ng huling habilin habang nakapiit sa The Netherlands | News Light

“Kung saan daw siya mamatay, doon siya i-cremate.” Iyan ang naging pahayag ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte ukol sa kalagayan at naging habilin ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo…

Dawn Pamulaya · · 1 min read

“Kung saan daw siya mamatay, doon siya i-cremate.”

Iyan ang naging pahayag ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte ukol sa kalagayan at naging habilin ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasalukuyang nakakulong ang dating pangulo sa ilalim ng kustodiya ng International Criminal Court (ICC) dahil sa mga kasong may kaugnayan sa extrajudicial killings noong panahon ng kanyang panunungkulan.

Ani naman ng Bise Presidente, pag-uusapan pa nilang pamilya ang hiling ng dating pangulo dahil magkaiba sila ng pananaw tungkol sa cremation.

ADVERTISEMENT

Nauna na ring sinabi ni VP Sara na “naging buto’t balat na” ang katawan ni FPRRD habang nakapiit sa ICC.

What do you feel about this article?