DZJV Radyo CALABARZONRegional

CWDO Tayabas, may babala sa pagkalat ng pekeng Senior Citizen I.D

Naglabas ng babala ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Tayabas na mag-ingat laban sa kumakalat na impormasyon tungkol sa umano’y pamimigay ng mga Senior Citizen ID sa…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: CSWDO Tayabas

Naglabas ng babala ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Tayabas na mag-ingat laban sa kumakalat na impormasyon tungkol sa umano’y pamimigay ng mga Senior Citizen ID sa mga barangay.

Nilinaw ng CSWDO na wala silang kinalaman sa nasabing aktibidad at hindi rin ito inisyatibo ng DSWD Region IV-A, taliwas sa mga anunsyong kumakalat sa social media.

Ayon sa opisina, wala pang opisyal na abiso mula sa DSWD tungkol sa bagong ID para sa mga senior citizen.

Dagdag pa nila, hindi aprubado ang anumang benepisyong kaugnay ng pekeng ID na ipinapamahagi.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, tanging Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ID lamang ang opisyal at libreng ID para sa mga nakatatanda.

Hinimok naman ng CSWDO ang publiko, lalo na ang mga senior citizen at kanilang pamilya, na maging mapanuri at huwag basta maniniwala sa mga hindi kumpirmadong impormasyon.

What do you feel about this article?