
Hinihimok ni Atty. Neri Colmenares, na kumakatawan sa National Union of People’s Lawyers, ang gobyerno na makipagtulungan sa mga pamilya ng biktima ng extrajudicial killings para makapagsampa ng kaso laban kay dating Pangulo at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay Colmenares, obligasyon ng pamahalaan na tulungan ang kapwa Pilipino partikular ang mga testigo at biktima na naghahanap ng hustisya.
Iginiit pa nito na gobyerno umano ang kumitil sa buhay ng ilang libong indibidwal at kaya dapat pagbayaran umano nito.
Samantala, kumpiyansa naman ang opisyal na hindi mapagbibigyan ang kahilingan ni Digong na interim release.
ADVERTISEMENT
“Dapat sagutin naman sana ng gobyerno ang isang bagay na ginawa ng gobyerno ano ah. Lalo na itong mga pulis sa ilalim ng gobyerno ngayon ay hindi na rin nakakasuhan. Dito, nakukulong kokonti lang sigurong nakakasuhan at nakukulong. So, responsibilidad ng gobyerno ang ginawa nya sa mga biktima.” giit ni Colmenares.

