Huhulihin ng mga otoridad ang mga pampublikong sasakyan na siksikan na parang sardinas ang mga pasahero.
May multang ₱5,000 ang mga Public Utility Vehicle (PUV) operators, habang wala namang multa para sa mga sasabit o tatayong pasahero.
Pabor naman sa commuters group na Commuter 4 Change ang anti-sardinas policy na ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon sa LTFRB, iniingatan nilang hindi makompromiso ang kaligtasan at convenience ng mga pasahero. (Sarah Lagsac-Arsenio/News Light)

