Finally, it’s happening!
Tuloy na tuloy na ang World Pole Vault Challenge sa bansa ngayong setyembre kasama ang pinakamagagaling at world-class pagdating sa larangan ng pole vault.
Mula sa pagkaunsyami noong nakaraang taon dahil sa fractured l-5 vertebra ni Obiena na naging dahilan din ng pagpapahinga niya sa mga kompetisyon.
Masayang inanunsyo ngayong Lunes, July 7 ng atleta ang proyekto at kompetisyon na tinawag niyang kaniyang “baby” at sinabing excited na siyang magpakitang gilas sa kaniyang home court ang pilipinas.
Partnership with ‘atletang ayala’ ang kompetisyong ito na gaganapin sa ayala triangle gardens sa Makati sa September 20 hanggang 21.
ADVERTISEMENT
Pagkatapos lang ‘yan ng World Athletics Championships sa Tokyo sa September 13 hanggang 21 naman.
Kaya inaasahan ng Pole Vault fans na makikita nila hindi lang si obiena kundi maging si world number 1 at record holder mondo duplantis.
Congratulations, and goodluck, EJ!


