Good NewsLatest News

West PH Sea docu na ‘Food Delivery’, wagi sa film festival sa New Zealand | News Light

"For every Filipino defending the West Philippine Sea" 'Yan ang mensahe ng Voyager Studios matapos magwagi sa Doc Edge Film Festival sa New Zealand ang dokumentaryong Food Delivery: Fresh from…

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

“For every Filipino defending the West Philippine Sea”

‘Yan ang mensahe ng Voyager Studios matapos magwagi sa Doc Edge Film Festival sa New Zealand ang dokumentaryong Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea.

Sa direksyon ni Baby Ruth Villarama, naiuwi ng dokyu ang Tides of Change Award sa Academy Awards-qualifying festival.

Giit ni Villarama, ang kanilang tagumpay ay hindi lamang para sa kanila kundi para sa mga Pilipinong nakakaranas ng istorya ng dokyu.

Ang dokyu ay tungkol sa buhay ng mga mangingisda, maging ng Philippine Coast Guard at Navy, na nagdadala ng supply sa mga outposts sa West Philippine Sea kahit may panganib na kaakibat.

ADVERTISEMENT

Kaugnay nito, hiniling ng Chinese Consulate sa Doc Edge na huwag ipalabas ang dokyu sa New Zealand dahil makakaapekto anila sa relasyon ng dalawang bansa.

Ito naman ay tinanggihan ng naturang film festival at tinawag pang “banned film that must be seen” ang dokyu.

Pagbati para sa inyong parangal at tapang na ipinakita!

What do you feel about this article?