Balitang A2ZLatest News

Usec. Claire Castro, itinangging sangkot siya sa pagkakasipa ng Net 25 reporter bilang reporter sa Malacañang coverage

Itinanggi ni Communications undersecretary Claire Castro ang mga paratang na may kinalaman siya sa pagpapaalis ng isang Net 25 reporter sa Malacañang coverage.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Itinanggi ni Communications undersecretary Claire Castro ang mga paratang na may kinalaman siya sa pagpapaalis ng isang Net 25 reporter sa Malacañang coverage.

Ayon kay Castro, hindi siya ang gumagawa ng desisyon sa mga ganitong usapin at hindi rin siya konektado sa media accreditation office ng PCO.

Aniya, “fake news” ang pagdugtong sa kanya sa isyu dahil limitado ang trabaho niya sa paghaharap sa mga press conference.

Nauugnay si Castro sa isyu matapos mag-viral ang ilang pagtatalo nila sa press briefing ng Net 25 reporter na si eden santos—ang journalist na humarap umano sa pangulo nang walang paalam sa isang event nitong Hunyo.

ADVERTISEMENT

Samantala, naghain ng pagtutol ang Malacañang Press Corps at sinabing “overreach” ng PCO ang pagpapaalis ng reporter.

Habang iginiit naman ng National Union of Journalists of the Philippines na imbis na pagbawalan ang mga tanong mas maigi umanong magdaos ng regular na press briefing ang PCO kasama mismo ang pangulo.

What do you feel about this article?