Itinanggi ni Communications Undersecretary Claire Castro ang mga paratang na may kinalaman siya sa pagpapaalis ng isang NET25 reporter sa Malacañang coverage.
Ayon kay Castro, hindi siya ang gumagawa ng desisyon sa mga ganitong usapin at hindi rin siya konektado sa Media Accreditation Office ng PCO.
Aniya, “fake news” ang pagdugtong sa kanya sa isyu dahil limitado ang trabaho niya sa pagharap sa mga press conference.
Nauugnay si Castro sa isyu matapos mag-viral ang ilang pagtatalo nila sa press briefing dahil sa maiinit na tanong ng NET25 reporter na si Eden Santos — ang journalist na humarap umano sa Pangulo nang walang paalam sa isang event nito noong Hunyo.
Samantala, naghain ng pagtutol ang Malacañang Press Corps at sinabing “overreach” ng PCO ang pagpapaalis ng reporter.
ADVERTISEMENT
Habang iginiit naman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na imbes na pagbawalan ang mga tanong, mas maigi umanong magdaos ng regular na press briefing ang PCO, kasama mismo ang Pangulo.

