DZJV Radyo CALABARZONRegional

Philippine brown rat snake, nasagip sa Tayabas

Isang Philippine brown rat snake ang natagpuan at nasagip sa isang bahay sa Brgy. Malaoa, Tayabas City, kamakailan. Ito ay may scientific name na Coelognathus erythrurus. Madalas itong mapagkamalang cobra,…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Tayabas CENRO

Isang Philippine brown rat snake ang natagpuan at nasagip sa isang bahay sa Brgy. Malaoa, Tayabas City, kamakailan.

Ito ay may scientific name na Coelognathus erythrurus.

Madalas itong mapagkamalang cobra, pero hindi ito makamandag.

Paalala ng lokal na pamahalaan, bawal ang panghuhuli, pag-aari, at pagbebenta ng anumang uri ng wildlife sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

What do you feel about this article?