Balitang A2ZLatest News

Paniningil na may pananakot at pamamahiya, ipagbabawal sa panukala ni Gatchalian

Sa mga may utang-utang po riyan, hinga ng malalim at maluwag. Gustong ipagbawal ni Senador Sherwin Gatchalian ang paniningil ng utang na may kasamang pamamahiya, pananakot, at pangaabuso sa ilalim…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Target ipagbawal ni Sen. Sherwin Gatchalian ang paniningil ng utang na may kasamang pamamahiya, pananakot, at pang-aabuso sa ilalim ng kanyang isinulong na Fair Debt Collection Practices Act.

Sa naturang panukala, ilegal ang paggamit ng banta ng karahasan, bastos na pananalita, at pagsasapubliko ng pangalan ng may utang.

May kaukulang multa na aabot sa P60,000 ang sinumang lalabag.

Ayon kay Gatchalian, hindi makatao ang ganitong pamamaraan lalo na sa mga mahihirap na walang malapitan.

Binatikos din ni Gatchalian ang ilang online lending apps na nanggigipit at nagbabanta kabilang na ang umano’y pagpapadala ng bala sa mga kliyente na late magbayad.

ADVERTISEMENT

Muli niyang inihain ang panukala sa 20th Congresss bilang prayoridad matapos hindi umanong makalusot sa nakaraang sesyon.

Habang hinikayat niya ang Securities and Exchange Commission na maghigpit sa pagpaparehistro ng mga ganitong kompanya na may kapital na P1-milyon lamang.

What do you feel about this article?