Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isang programa na ang bente pesos na kada kilo ng bigas lalo’t nakitaan na “achievable” at “sustainable” ang bentahan sa ilalim ng naturang presyo.
Bagamat limitado pa rin to sa ilang pamilihan at sektor gaya ng indigent families at PWDs iginiit pa rin ng pangulo na makikita na ito sa mas maraming palengke sa mga susunod na panahon.
Binibili na ng NFA ang sariwang palay sa halagang disi otso pesos kada kilo habang naglalaro sa 19 hanggang 23 pesos kada kilo ang tuyong palay higit na mas mataas ito kumpara sa presyong ibinibigay ng ilang trader.
Ayon sa pangulo, inaayos na rin ng gobyerno ang daan daang drying at processing facilities para hindi na mapilitang ibenta ng mga magsasaka ang kanilang ani sa mababang presyo.
ADVERTISEMENT
Kasabay nito ang paglulunsad ng mobile soil labs para tugunan ang epekto ng climate change sa produksiyon at mahikayat ang mga kabataan na pumasok sa agrikultura.

