Balitang A2ZLatest News

House Speaker Romualdez, naghain ng panukala para sa reporma sa National Budget System

Isinulong ni House Speaker Martin Romualdez ang budget modernization act na layong baguhin ang sistema ng paggasta sa bansa.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Isinulong ni House Speaker Martin Romualdez ang budget modernization act na layong baguhin ang sistema ng paggasta sa bansa.

Sa ilalim ng panukala, gagamit ang gobyerno ng cash-based budgeting system kung saan tanging mga proyekto o serbisyong natapos sa loob ng taong piskal ang pwedeng bayaran.

Layunin nitong pabilisin ang serbisyo iwasan ang walang kwentang gastos at gawing mas transparent ang bawat transaksiyon.

Tutukuyin din ng panukala ang mga “parked funds” at off-budget items sa pamamagitan ng mas mahigpit na batas sa paggasta at pag-uulat.

ADVERTISEMENT

Mandato rin sa mga ahensiya ang paggamit ng digital public financial management system para ma-monitor ang bawat real time na gastos na makatutulong para maiwasan ang korapsyon.

Samantala, suportado rin ni Romualdez na gawing publiko ang bicameral budget deliberations para buksan sa mamamayan ang iba pang budget processes.

What do you feel about this article?