Balitang A2ZLatest News

Education chief Sonny Angara, hindi pabor na ibasura ang K-12 program ng DepEd

Hindi pabor si Education Secretary Sonny Angara na ibasura ang K-12 program kahit pa binatikos ito ng ilang mambabatas at mismo ni Pangulong Marcos Jr.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Hindi pabor si Education Secretary Sonny Angara na ibasura ang K-12 program kahit pa binatikos ito ng ilang mambabatas at mismo ni Pangulong Marcos Jr.

Sa halip, gusto ni Angara na i-review at pagandahin pa ang programa kaysa bumalik sa lumang sistema para tunay na makinabang ang mga estudyante.

Giit ni Angara, maaaring maapektuhan ang trabaho at sahod ng mga pilipinong professional abroad gaya ng mga inhinyero at arkitekto kapag binalik sa 10-year education ang bansa.

Habang hindi naman daw kailangang magdeklara ng emergency sa isyu ng learning crisis sa bansa.

What do you feel about this article?