Balitang A2ZLatest News

Bulkang Taal, posibleng magkaroon ng biglaang phreatic eruption ayon sa Phivolcs

Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng biglaang phreatic o steam-driven eruption sa Taal volcano.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng biglaang phreatic o steam-driven eruption sa Taal volcano.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, tumaas ang seismic energy ng bulkan pero walang nakikitang gas emissions na siyang posibleng senyales ng pagbara sa gas channels.

Aniya, kapag nabara ang daanan ng gas maaaring mag-trap ng pressure sa ilalim ng bulkan na maging sanhi ng biglaang pagsabog.

Bagamat hindi tiyak kung kailan ito mismong mangyayari naglabas na ng advisory ang phivolcs bilang pang-iwas sa anumang peligro.

ADVERTISEMENT

Patuloy naman nang mahigpit na pagmamatyag ng Phivolcs at muling pinaalalahanan ang publiko na iwasan mismo ang taal volcano island na isang permanent danger zone.

What do you feel about this article?