News LightLatest News

Batas laban sa pagbabanta ng mga lending app, isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian | News Light

Isinumite na ni Senator Win Gatchalian ang Fair Debt Collection Practices Act na magpoprotekta sa mga nangungutang online laban sa pagbabanta, pananakot, at panghaharas ng ilang mga online lending apps…

Newslight · · Updated · 1 min read

Isinumite na ni Senator Win Gatchalian ang Fair Debt Collection Practices Act na magpoprotekta sa mga nangungutang online laban sa pagbabanta, pananakot, at panghaharas ng ilang mga online lending apps (OLA).

Samakatuwid, mahigpit nang ipagbabawal sa mga OLA ang paniningil nang may pagmumura, pananakot, at pagbabanta na isisiwalat ang mga maseselang impormasyon ng nangungutang. Nakasaad rin sa panukala na ang sinumang lalabag ay maaaring pagmultahin ng hanggang ₱60,000.

Kaugnay nito, binigyang-diin rin ni Gatchalian ang insidente ng lalaki sa Valenzuela City na kinitil ang kanyang sariling buhay matapos makatanggap ng katakut-takot na pagbabanta at panghaharas mula sa isang online lending app.

Dagdag pa ni Gatchalian, hindi na umano makatarungan ang paniningil nang may pananakot, at lalong mas mahirap ito para sa mga Pilipinong kapos sa pinansyal at kinakailangang kumapit sa patalim.

ADVERTISEMENT

Tama lang naman aniya ang maningil ng utang, ngunit hindi na kinakailangan pang umabot sa pang-aabuso o may mamatay dahil dito. (Evan Clemente/ News Light)

What do you feel about this article?