Tagumpay na nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisdang naiulat na nawawala at huling natagpuan sa Pilar, Bataan.
Isang araw matapos naiulat na nawawala, natagpuan sina Crispin Mendoza, 70-anyos, at Rogelio Pascual, 71-anyos, sa katubigan ng Orion, Bataan.
Ayon sa Coast Guard Station Bataan, natanggap nila ang ulat ng pagkawala noong Hulyo 6.
Agad na nagpadala ng search and rescue team ang PCG at CGS, at nakipag-ugnayan sa pamilya ng mga mangingisda.
ADVERTISEMENT
Kinaumagahan ng Hulyo 7, kahapon, nang makita nila ang dalawa na nakahawak na lamang sa kanilang bangka na nakalubog na ang kalahati sa tubig.
Dinala ang mga mangingisda sa Port of Capinpin at agad naman silang binigyan ng atensyong medikal at dinala sa Rural Health Unit sa Barangay Wawa, Orion.

