Balitang A2ZLatest News

P10 milyong halaga ng smuggled na karne at sibuyas, nasabat ng NBI sa Maynila

Nasabat ng National Bureau of Investigation ang higit sa sampung milyong halaga ng smuggled na frozen meat, peking duck, at sibuyas sa isang cold storage sa paco, maynila, Miyerkules ng…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nasabat ng National Bureau of Investigation ang higit sa sampung milyong halaga ng smuggled na frozen meat, peking duck, at sibuyas sa isang cold storage sa paco, maynila, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ahensya, walang maipakitang permit ang may-ari sa oras ng inspeksyon kaya binigyan ng dalawampu’t apat na oras ang may-ari ng pasilidad para magpresenta ng mga dokumento.

Ayon sa caretaker, isang Chinese national na kilala sa pangalang “Jerry” ang umuupa sa pasilidad.

Mahaharap sa kaso ang mga nasa likod ng operasyon lalo’t malinaw na paglabag ito sa anti-agricultural smuggling law.

What do you feel about this article?