Nagpatupad na ng blue alert status ang Office of Civil Defense dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Bising’ sa Northern Luzon partikular na sa Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera region.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 45 kph at bugsung aabot sa 55 kph kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kph.
Signal number 1, ang Calayan at Dalupiri island, Babuyan islands at Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin, Dumalneg sa Ilocos Norte.
Naka-alerto rin ang mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Apayao, Abra at Kalinga.
Ayon sa OCD, nagsagawa ng pre-disaster risk assessment ang OCD bilang paghahanda ng mga ahensya at nag-preposition na rin ng tulong ang DSWD.
ADVERTISEMENT
Samantala, tuluy-tuloy ang pag-ulan sa iba pang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Ilocos Sur, La Union, Cordillera, Central Luzon, CALABARZO, at Occidental Mindoro.
Inaasahang lalabas ng PAR si bising ngayong gabi pero maaaring bumalik sa linggo kapag lumakas bilang tropical storm.

