Balitang A2ZLatest News

Impormasyon ukol sa mga ‘Opisyal ng pulisya’ na sangkot sa kaso ng missing sabungeros, nakuha na ng NAPOLCOM

Kinumpirma ng NAPOLCOM na may impormasyon na sila hinggil sa mga pulis na sangkot umano sa pagkawala ng mga sabungero.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Kinumpirma ng NAPOLCOM na may impormasyon na sila hinggil sa mga pulis na sangkot umano sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay Vice Chair Atty. Rafael Calinisan, iniisa-isa na nila ang mga pangalan sa listahan at hindi na nila ito binibitawan pero hinikayat nila si alyas “Totoy” na maghain na ng affidavit para mas mapabilis ang imbestigasyon.

Aniya, posibleng may aktibong pulis pa ring sangkot kaya dapat masawata ang ganitong uri ng abuso sa hanay ng PNP.

What do you feel about this article?