Balitang A2ZLatest News

Mga abusadong traders na nananamantala sa presyo ng palay, kakasuhan ayon sa Palasyo

Binalaan ng Malacañang ang mga rice traders na kakasuhan sila matapos malaman na maraming umaabuso sa programa ng pamahalaan na bentahan ng bente pesos kada kilo na bigas para direktang…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Binalaan ng Malacañang ang mga rice traders na kakasuhan sila matapos malaman na maraming umaabuso sa programa ng pamahalaan na bentahan ng bente pesos kada kilo na bigas para direktang makapamili ng palay mula sa mga magsasaka sa murang halaga.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, posibleng pananabotahe ito sa ekonomiya lalo’t hindi totoo na nakakaapekto sa presyo ng bilihin ng nfa ang bente pesos kada kilo na bigas.

Dahil sa katunayan aniya mas marami pang binibiling palay ang gobyerno.

Hinikayat ng palasyo ang mga magsasaka na isumite ang ebidensiya at sampahan ng kaso sa DA, DILG
o DOJ ang mga abusadong traders.

ADVERTISEMENT

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa mga magsasaka sa Nueva Ecija, na hindi mababago ang buying price ng NFA sa palay na maglalaro sa 19 hanggang 23 pesos kada kilo ng tuyong palay at P18 pesos kada kilo naman sa basa.

What do you feel about this article?