DZJV Radyo CALABARZONFeatured

Barko at fishing vessel, nagsalpukan sa karagatan ng Lucena

Nagbanggaan ang isang pampasaherong barko at fishing vessel sa karagatang sakop ng Barangay Talao-Talao nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa ulat ng Coast Guard District Southern Tagalog, patungo sa Balanacan…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: PCGSSQ

Nagbanggaan ang isang pampasaherong barko at fishing vessel sa karagatang sakop ng Barangay Talao-Talao nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat ng Coast Guard District Southern Tagalog, patungo sa Balanacan Port, Marinduque ang MV Peñafrancia VI bandang alas-7:00 ng umaga nang sumalpok ito sa dumarating na FV Sr. Fernando 2.

Ligtas naman ang 82 pasahero, 18 crew ng barko, at 16 na tripulante ng fishing vessel.

Sa paunang imbestigasyon, walang oil spill o matinding pinsala sa ilalim ng mga barko at tiniyak ng Coast Guard na ligtas pa itong magpatuloy sa biyahe.

What do you feel about this article?