Good NewsNews Light

Triplet mula Zamboanga Sibugay, sabay-sabay na nagtapos bilang magna cum laude | News Light

Triplet goals! ’Yan ang ipinakita ng magkakapatid na Dangaton mula sa Zamboanga Sibugay na sabay-sabay nagtapos sa kolehiyo bilang magna cum laude.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Triplet goals!

’Yan ang ipinakita ng magkakapatid na Dangaton mula sa Zamboanga Sibugay na sabay-sabay nagtapos sa kolehiyo bilang magna cum laude.

Ang Dangaton sisters na sina Lorie May, Eva May, at Xennia May ay nagtapos ng BS Business Administration, major in Financial Management sa Jose Rizal Memorial State University – Tampilisan Campus.

Maraming netizens ang humanga sa tagumpay ng magkakapatid, na nagbigay inspirasyon sa marami.

Nagpasalamat naman ang magkakapatid sa Diyos sa parangal na kanilang natanggap, na anila’y higit pa sa kanilang inaasahan.

ADVERTISEMENT

Pagbati at padayon!

What do you feel about this article?