RegionalNews Light

Nasa 1,000 katao, naloko ng pekeng raffle draw na isa palang illegal gambling operation sa Tarlac | News Light

Sa halip na maka-jackpot, naging bato pa ang pera ng nasa 1,000 katao na sumali umano sa isang raffle draw sa San Vicente, Tarlac.

Jomar Villanueva · · Updated · 1 min read

Sa halip na maka-jackpot, naging bato pa ang pera ng nasa 1,000 katao na sumali umano sa isang raffle draw sa San Vicente, Tarlac.

Ang pangako kasi ng raffle — iba’t ibang grand prizes na aabot sa ₱4.5 milyon gaya ng Toyota Fortuner, business package, wedding package, 150 square meter na lupa, at iba pa.

Sa halagang ₱20, makabibili ng ticket ang mga nais sumali at ihuhulog ito sa isang tambiolo.

Lingid sa kaalaman ng mga biktima, peke pala ang raffle draw at isa palang ilegal na gambling operation.

Wala rin umanong napaulat na nanalo.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Philippine National Police Anti-Cybercrime Group acting chief Brigadier General Bernard Yang, hindi bababa sa 94 katao ang naaresto dahil sa operasyon ng pekeng raffle draw.

Aniya, posibleng sampahan ng reklamo ang lahat ng nakilahok sa ilegal na sugal, pero inuna muna ang mga nasa likod ng operasyon.

What do you feel about this article?