Nagbabala ang Department of Agriculture sa publiko na ‘wag bibili ng mga imported na mga puting sibuyas matapos magpositibo sa E.coli at salmonella ang ilan sa mga nasabat sa Paco, Maynila noong nakaraang linggo.
Isasailalim naman sa pagsusuri ang ilan pa na napag-alamang nagmula pa sa China.


