Balitang A2ZLatest News

Palasyo, sinagot ang pamumuna ni VP Sara Duterte hinggil sa kanyang travel issue

‘Kung walang mai-report baka walang natrabaho’ ‘Yan ang maanghang na patutsada ni Communications Undersecretary Claire Castro laban kay Vice President Sara Duterte.

BALITANG A2Z · · 1 min read

‘Kung walang mai-report baka walang natrabaho’

‘Yan ang maanghang na patutsada ni Communications Undersecretary Claire Castro laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y dahil binira ng Malacañang ang pagtanggi ni VP Sara na isapubliko ang detalye ng kanyang mga biyahe abroad.

Ayon kay Castro hindi nababawi ang kulang sa ethics sa pamamagitan ng panlalait.

ADVERTISEMENT

Ito’y matapos tawagin ni Duterte na “stupido” ang mga opisyal na nanawagang magsumite siya ng travel reports sa mga biyahe sa Malaysia at Australia.

Natatandaang binisita ni VP sara ang kanyang ama sa ICC detention sa Netherlands nang dalawang beses ngayong taon at dumalo sa OFW events sa Hong Kong, Qatar, Nalaysia at Australia.

What do you feel about this article?