Uncategorized

Mga ready-to-eat food packs, ipinuwesto na sa mga pantalan bilang paghahanda sa mga kalamidad ayon sa DSWD

Ipinuwesto na ang DSWD ng ready-to-eat food packs sa dalawampu't limang mahahalagang pantalan sa buong bansa para sa mga pasaherong maii-stranded sa panahon ng kalamidad.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Ipinuwesto na ang DSWD ng ready-to-eat food packs sa dalawampu’t limang mahahalagang pantalan sa buong bansa para sa mga pasaherong maii-stranded sa panahon ng kalamidad.

Ayon sa DSWD, hindi na kakailanganing lutuin ng mainit na tubig ang mga pagkain.

Dinisensyo ang mga pagkain kasama ang dost-fnri kung saan bubuksan na lang ito at puwede nang kainin agad habang tinitiyak na masarap at masustansya ang mga ito.

Kasama sa mga packs ang champorado, arroz caldo, tuna paella, chicken pastil, chicken giniling, protein biscuits, at special food para sa bata at mga ina na nagpapasuso.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ng ahensya puwede ring gamitin ang mga food packs sa iba pang emergency response sa loob at labas ng mga port.

What do you feel about this article?