Good NewsLatest News

Filipino-produced na pelikulang ‘Village Keeper’, pinarangalan sa 2025 Canadian Screen Awards | News Light

Wagi ng Best First Feature Film Award ang Filipino-produced film na Village Keeper sa Canadian Screen Awards (CSA) 2025.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Patuloy na nagpapamangha ang mga Pilipino sa pandaigdigang entablado!

Wagi ng Best First Feature Film Award ang Filipino-produced film na Village Keeper sa Canadian Screen Awards (CSA) 2025.

Si Enrique Miguel Baniqued, ang producer ng Village Keeper, ang nag-iisang Asian nominee para sa CSA ngayong taon.

Ang independent film ay ginawa sa limitadong budget ngunit pumukaw ito ng atensyon mula sa mga kritiko at manonood.

ADVERTISEMENT

Bagamat naging isang malaking hamon para sa 24-anyos na producer, ang natamong parangal ay patunay ng kanyang husay sa pagbabahagi ng mga kwento sa pamamagitan ng pelikula.

Pagbati sa lahat ng nasa likod ng pelikulang ito!

What do you feel about this article?