Balitang A2ZLatest News

Alex Eala, handa nang sumabak sa unang Wimbledon Main Draw

Lubos ang pasasalamat ni pinay tennis star Alex Eala sa mga sumporta sa kanya matapos masungkit ang career-high world ranking sa Women’s Tennis Association.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Lubos ang pasasalamat ni pinay tennis star Alex Eala sa mga sumporta sa kanya matapos masungkit ang career-high world ranking sa Women’s Tennis Association.

Pasok kasi si Eala sa 56 sa WTA kung saan nahigitan n niya ang dating record na 69.

Samantala, mula Eastbourne patungong Wimbledon—sa loob lang ng isang araw nakarating na si Alex Eala sa London para sa kanyang kauna-unahang paglahok sa main draw ng grand slam na Wimbledon.

Agad na dumalo si Alex sa media conference at kabilang na agad siya sa mga pinakahinihintay na players ng international press.

Bukas, Martes, sasabak siya kontra defending champion at World no. 17 Barbora Krechi-kova sa legendary centre court.

ADVERTISEMENT

Itinuring ni eala na isang karangalan ang makapaglaro sa centre court na pangarap lang niya noon na marating.

Way to go, Alex!

What do you feel about this article?