Balitang A2ZLatest News

3-taong kolehiyo, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian na gawing tatlong taon na lang ang kolehiyo sa halip na apat.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian na gawing tatlong taon na lang ang kolehiyo sa halip na apat.

Sa ilalim ng panukala, ililipat na sa Senior High School ang mga general education subjects para makatutok ang mga estudyante sa kanilang major sa kolehiyo.

Aniya standard na ang 3-year college sa mga bansa gaya ng UK, Australia, at Canada.

Sa ngayon, binabawasan na umano ng Commission on Higher Education ang PE subjects.

ADVERTISEMENT

Sa gitna ng usaping edukasyon, bumalik din sa isyu ang K-12 program na binatikos ni Pangulong Marcos sa pagkabigong makapaghatid ng mga skill na pasok sa trabaho.

Samantala, higit walondaang paaralan ang sumasailalim na sa pilot run ng revised k-10 curriculum na nagbawas ng core subjects mula labinlima pababa sa lima.

What do you feel about this article?