News LightLatest News

Pulis, patay sa barilan matapos rumesponde sa holdap sa Quezon City | News Light

Nagluluksa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagkamatay ni Patrolman Curtney Harwin Baggay, na nasawi habang rumesponde sa isang insidente ng holdap na nauwi sa barilan sa Brgy.…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Nagluluksa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagkamatay ni Patrolman Curtney Harwin Baggay, na nasawi habang rumesponde sa isang insidente ng holdap na nauwi sa barilan sa Brgy. Commonwealth, Quezon City nitong Lunes ng madaling-araw.

Batay sa ulat, binaril ng suspek ang vendor na si Fernando Taguinod at tinamaan din ang bystander na si Irah Solangon sa may kanto ng Katuparan at Katipunan Street dakong 2:30 ng umaga.

Rumesponde sina Pat. Baggay at Pat. Gregorio matapos marinig ang putok ng baril, ngunit inunahan ng putok ng suspek si Baggay.

Nakapagpaputok pa si Baggay at si Gregorio upang mapatay ang suspek, subalit idineklarang patay si Baggay dakong 3:38 ng umaga.

ADVERTISEMENT

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek, habang patuloy ang imbestigasyon ng Quezon City Police District at ang pagsusuri sa CCTV footage sa lugar ng krimen.

What do you feel about this article?