Angat ang husay ng Pinoy sa matematika!
Namayagpag ang talino ng mga Filipino math wizards sa STEMCO International Mathematics Competition Global Finals sa Singapore noong Hunyo 20 hanggang 23.
Nag-uwi ng 39 na medalya — 14 ang ginto, 14 ang pilak, at 11 ang tanso — ang mga kinatawan ng bansa.
Nakipagpaligsahan sila sa halos 400 kalahok mula sa Malaysia, Singapore, Russia, Pakistan, Cambodia, Thailand, Kazakhstan, Serbia, at Vietnam.
Kabilang sa nagwagi ay si Sean Carlo Nuez ng Mother Goose Special School System na nakakuha ng gintong medalya at itinanghal na overall champion sa Grade 2 math competition.
Kaparehong parangal ang nakamit ni Harold Jude Diamante mula sa Philippine Science High School – Bicol Region Campus, para naman sa Grade 7 competition.
ADVERTISEMENT
Ganito rin ang nakamit ni Garuen Eirich Maddatu ng Taguig Science High School para sa Grade 8 competition.
Pagbati at ipagpatuloy lang ang pagiging masigasig sa pag-aaral at pagbibigay karangalan sa bansa!

