PoliticsLatest News

Mayor Vico Sotto, hindi na tatakbo sa 2028 elections | News Light

Nilinaw ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kaniyang desisyon na hindi na tumakbo sa 2028 elections.

Newslight · · Updated · 1 min read

Nilinaw ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kaniyang desisyon na hindi na tumakbo sa 2028 elections.

Ayon sa kaniyang pahayag, hindi niya ito sinabi sa publiko noong panahon ng halalan upang maiwasang mabigyan ng motibong politikal ang kaniyang intensyon.

Isinaad din ni Mayor Sotto na ngayong malinaw na niyang naipabatid sa publiko ang kaniyang desisyon, malaya na raw siyang gawin ang mga bagay na sa tingin niya ay tama.

Binigyang-diin din ni Sotto na kailangang managot ang mga sangkot sa mga krimen, partikular na ang hindi pagbabayad ng buwis sa pamahalaang lokal at nasyonal.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya, handa siyang makipag-usap sa mga tumuligsa sa kanya noong panahon ng halalan. (Edrei Mallorca/ News Light)

What do you feel about this article?