DZJV Radyo CALABARZONFeatured

“Bawal ang mataray sa mga ospital ng Laguna”, Unang executive order ni Laguna Governor Sol Aragones

Nilagdaan ni Governor Sol Aragones ang kanyang kauna-unahang Executive Order na naglalayong ipagbawal ang mataray at bastos na pag-uugali sa lahat ng pampublikong ospital, Rural Health Units (RHUs), health centers,…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: Sol Aragones

Nilagdaan ni Governor Sol Aragones ang kanyang kauna-unahang Executive Order na naglalayong ipagbawal ang mataray at bastos na pag-uugali sa lahat ng pampublikong ospital, Rural Health Units (RHUs), health centers, at opisina ng pamahalaan sa lalawigan ng Laguna.

Ayon sa kautusan, ang lahat ng kawani ng gobyerno ay dapat magpakita ng magalang na pakikitungo at laging may ngiti sa pakikipag-ugnayan sa publiko.

Ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng disciplinary action, alinsunod sa patakaran ng probinsya.

Ipinaliwanag ni Gov. Aragones na layunin ng hakbang na ito na itaguyod ang kultura ng kabaitan, respeto, at tapat na serbisyo publiko sa Laguna.

ADVERTISEMENT

Samantala, hinikayat rin ni Gov. Aragones ang mga taga-Laguna na i-promote ang kanilang mga bayan sa social media gamit ang live videos sa ilalim ng kampanyang Citizen Tourism.

What do you feel about this article?