Matapos ang ilang araw na paghupa ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ibababa na ang crisis alert level para sa mga Pilipino sa Israel.
Mula sa Alert Level 3 na voluntary repatriation, magiging Alert Level 2 na lang ito o ang tinatawag na restriction phase.
Tinawag ng DFA na “positive developments” sa seguridad sa Israel ang paghupa ng tensyon.
Pero sa kabila nito, nananatiling nakatutok ang DFA sa sitwasyon sa Middle East.
ADVERTISEMENT
Mababatid na naglunsad ng ceasefire ang United States sa pagitan ng Israel at Iran, na sinang-ayunan din ng dalawang bansa.


