Balitang A2ZLatest News

Bangkay ng 3 minero, narekober; 1 rescuer, patay rin sa Nueva Vizcaya

Narekober na ang bangkay ng tatlong small-scale miners na na-trap sa loob ng isang tunnel sa sitio balcony, Barangay Runruno sa Quezon, Nueva Viscaya.

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Narekober na ang bangkay ng tatlong small-scale miners na na-trap sa loob ng isang tunnel sa Sitio Balcony, Barangay Runruno sa Quezon, Nueva Viscaya.

Kinilala ang mga nasawi na sina Daniel Segundo, 47; Florencio Indopia, 63; at Lapihon Ayudan, 56; lahat taga-Runruno.

Habang nasawi naman isang volunteer rescuer na kinilalang si John Philip Guinihid matapos pumasok sa tunnel para iligtas ang kapatid niyang si Lapihon.

Ayon sa report, kinulang sa oxygen sa loob ng tunnel ang naging sanhi ng pagkahilo at hindi pagkalabas ng mga biktima.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?