SportsLatest News

Alex Eala, pasok sa semifinals ng Eastbourne Open matapos talunin si Yastremska | News Light

Pasok na sa semifinals ng 2025 Eastbourne Open ang Pinay tennis star na si Alex Eala matapos ang impresibong 6-1, 6-2 na panalo laban sa Ukrainian na si Dayana Yastremska…

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Pasok na sa semifinals ng 2025 Eastbourne Open ang Pinay tennis star na si Alex Eala matapos ang impresibong 6-1, 6-2 na panalo laban sa Ukrainian na si Dayana Yastremska nitong Huwebes.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umabot si Eala sa isang WTA Tour semifinal sa grass court.

Si Eala, kasalukuyang may ranggong ika-74 sa buong mundo, ay nauna ring tinalo ang dating Grand Slam champion na si Jeļena Ostapenko bago harapin si Yastremska.

Kinailangan pa ni Eala na dumaan sa qualifying phase upang makapasok sa main draw ng torneo.

What do you feel about this article?