
Patay ang isang 65-anyos na lalaki na kinilalang si “Lolo Arcadio” matapos tangayin ng rumaragasang tubig-baha habang tinatawid ang spillway sakay ng motorsiklo sa Brgy. Limbon, Sariaya, Quezon, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa anak ng biktima, bandang alas-6:00 ng gabi nang magpaalam si Lolo Arcadio na pupunta sa poblacion gamit ang kanyang Honda Click.
Pagdating sa spillway, nakita umano ng biktima na apaw na ang tubig, pero pinili pa rin nitong tumawid.
Dahil sa lakas ng agos, tinangay ang motorsiklo at ang matanda.
Makalipas ang halos 30 minuto ng paghahanap, natagpuan ng mga residente at awtoridad ang kanyang bangkay ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan.
ADVERTISEMENT
Paalala ng mga otoridad, huwag tumawid sa mga spillway o ilog kapag mataas ang tubig upang maiwasan ang mga trahedya.

