Masisilayan muli sa international stage ang galing ng mga Pilipino sa pagtatanghal!
Ito ay dahil ang ‘Kim’ at ang ‘Engineer’ ng UK production ng Miss Saigon ay pagbibidahan ng dalawang Pilipinong aktor.
Si Julianne Pundan ay magtatanghal bilang Kim at si Filipino-British singer Seann Miley Moore naman ang ‘Engineer’ sa produksiyon.
Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Julianne sa Diyos sa once-in-a-lifetime opportunity na ito.
ADVERTISEMENT
Matatandaang gumawa ng kasaysayan si Tony Award-winner Lea Salonga nang magtanghal rin siya bilang Kim sa original West End at Broadway show ng Miss Saigon.
Pagbati at kami ay proud sa achievement ninyong ito!

