Balitang A2ZLatest News

Bilang ng mga nawawalang sabungero, posibleng lumampas na sa 100, ayon sa DOJ

Mula sa naunang inuulat na bilang na tatlumpu't apat, inihayag ngayon ni Justice Secretary Boying Remulla na posibleng mahigit pa sa isandaang sabungero ang nawawala ngayon na may kaugnayan sa…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Mula sa naunang inuulat na bilang na 34, inihayag ni Justice Secretary Boying Remulla na posibleng mahigit pa sa isandaang sabungero ang nawawala ngayon na may kaugnayan sa E-sabong o online sabong at konektado sa mga panloloko sa sugal.

Giit ni Remulla, hindi pwedeng ipaareglo ang mga kaso lalo’t itinuturing niyang mass murder na ang nangyari.

Idiniin din niya na ngayon lang nangyari na may pinapatay at biglang nawawala na mga nadadayang katunggali sa sabong dahil sa lakas ng perang umiikot sa E-sabong.

Binigyang-diin din ng kalihim na magpakakatiwalaan ang mga tesimonyang inihayag ng “key witness” na si alias “Totoy” sa Department of Justice.

At ang malaking rebelasyon na may kinalaman dito ang isang government official lalo’t may mga dokumento, voucher, at mga pangalan na itinuturo ang saksi.

ADVERTISEMENT

Babala pa ni Remulla, pati Court of Appeals at Korte Suprema sinusubukang impluwensyahan umano ng grupong ito lalo’t matitinding kalaban umano ang mga kasangkot.

Nangako naman ang kalihim sa patuloy na paghahanap ng katarungan para sa mga biktima.

What do you feel about this article?