
Binaril at napatay ang isang babaeng saksi sa umano’y katiwalian sa pagtatayo ng Ospital ng Biñan sa Laguna, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Phoebe Dawn”, residente ng Brgy. Sto. Tomas.
Kagagaling lang ng biktima sa pagdinig sa korte nang barilin siya nang malapitan ng gunman.
Ayon sa awtoridad, si Phoebe ay nagsilbing testigo sa reklamo noong November 2024 tungkol sa umano’y iregularidad sa paggamit ng pondo para sa pagtatayo ng Ospital ng Biñan (OSBIN), kung saan idinawit niya ang ilang lokal na opisyal sa lugar.
ADVERTISEMENT
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan para matukoy ang pagkakakilanlan at mapanagot sa batas ang supek sa krimen.
