Balitang A2Z

Pangulong Marcos Jr., ipinag-utos na agad at hayagang sirain ang P9.4 bilyong halaga ng Shabu sa North Luzon

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. ang agarang at transparent na pagwasak sa mahigit 9 point 4 bilyong pisong halaga ng Shabu na nasabat sa baybayin ng Zambales, Pangasinan, at…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. ang agarang at transparent na pagwasak sa mahigit 9 point 4 bilyong pisong halaga ng Shabu na nasabat sa baybayin ng Zambales, Pangasinan, at Cagayan.

Giit ni Marcos, hindi dapat nakakabalik sa merkado ang kumpiskadong droga.

Aabot sa 1 point 5 tonelada ng Shabu ang nasamsam na itinuturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.

Ayon kay PDEA chief Isagani Perez, sisirain ang mga droga sa incinerator sa Capas, Tarlac sa Miyerkules.

Dadalo rito ang DOJ, LGU officials, at media… para masigurong walang daya sa proseso.

ADVERTISEMENT

Target na tapusin ang pagwasak sa loob ng labindalawang oras.

Iginiit din ni Marcos ang pagpapatuloy ng “bloodless” na gyera kontra droga at pagtuon sa mga drug pusher sa kalye.

What do you feel about this article?