News LightLatest News

Hiling na interim release ni dating Pangulong Duterte, nais ipabasura ng ICC prosecutor sa ICC Pre-Trial Chamber I | News Light

Nais ipabasura ng Deputy Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release o pansamantalang kalayaan.

Jomar Villanueva · · Updated · 2 min read

Nais ipabasura ng Deputy Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release o pansamantalang kalayaan.

Ayon sa 15-pahinang filing na isinumite ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang, dapat ibasura ng ICC Pre-Trial Chamber I ang interim release ni Duterte dahil umano sa tatlong bagay.

Una, maituturing na flight risk si Duterte.

ADVERTISEMENT

Pangalawa, maaaring madiskaril ang imbestigasyon ng ICC.

Pangatlo, posibleng gawin o ipag-utos ulit ni Duterte ang mga pagpatay.

Bukod pa rito, sinabi ng ICC prosecutor na ang bansang napili ni Duterte sa kanyang interim release ay may kasaysayan ng hindi pakikipagtulungan sa ICC kaya duda ang ICC prosecutor na babalik at makikipagtulungan pa si Duterte oras na makalaya siya.

ADVERTISEMENT

Samantala, isa ang Australia sa mga bansang kinokonsidera ni Duterte para sa interim release nito, ayon sa anak niyang si Vice President Sara Duterte.

Kinumpirma ito ng Bise Presidente habang nasa personal trip sa Melbourne, Australia kung saan isinagawa ang isang Free Duterte rally na organisado ng mga Duterte supporter.

Sinubukan ni VP Sara na kausapin si Australian Foreign Minister Penny Wong pero wala pa itong tugon.

ADVERTISEMENT

Makikipag-usap din ang Bise Presidente sa Australian government hinggil sa posibleng pananatili ni Duterte sa Australia oras na mapagbigyan ang interim release.

What do you feel about this article?