Sumailalim na sa breast surgery ang British singer na si Jessie J matapos matuklasan ang early signs ng kanyang breast cancer.
Sa instagram, ibinahagi ni Jessie ang update sa kanyang kalusugan,
maging ang tinawag niyang ‘honest lows and high of the last 48 hrs’ na kanyang pinagdaanan.
Makikita rin ang ilang larawan at video sa ospital kasama ang kanyang partner na si Chanan Colman at kanilang anak na si sky.
Matatandaang kamakailan lamang nang inihayag ng singer sa publiko na natuklasan niya ang kaniyang breast cancer bago ilabas ang kanyang latest single na ‘no secrets.’
ADVERTISEMENT
Stay strong Jessie!

