SportsFeatured

Adamson Soaring Falcons, magpaparada ng batang koponan sa UAAP Season 88 | News Light

Inaasahang magpaparada ng batang lineup ang Adamson University Soaring Falcons sa nalalapit na UAAP Season 88, sa pangunguna ni Head Coach Nash Racela.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Inaasahang magpaparada ng batang lineup ang Adamson University Soaring Falcons sa nalalapit na UAAP Season 88, sa pangunguna ni Head Coach Nash Racela.

Mawawala sa roster sina Royce Mantua, Joshua Yerro, Eli Ramos, at John Calisay matapos piliing lisanin ang koponan.

Bagamat nariyan pa rin si Ced Manzano para magbigay ng lakas at karanasan, hinihikayat ni Racela ang natitirang mga manlalaro na umangat at maging lider ng grupo.

Isa sa mga positibong sagot sa panawagan ni Racela ay si Matty Erolon, na nagtala ng 17 puntos at limang three-pointers kontra UE, matapos magpakitang-gilas din kontra FEU sa kanilang nakaraang laro.

What do you feel about this article?