Balitang A2ZSports

Umangat ng tatlong puwesto ang Pinay tennis player na si Alex Eala base sa pinakabagong WTA rankings

Mula 77, umakyat si Eala sa 74, matapos ang matagumpay na qualifying sa Eastbourne open.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Mula 77, umakyat si Eala sa 74, matapos ang matagumpay na qualifying sa Eastbourne open.

Tinambakan ni Eala ang World no. 88 na si Zeynep Sönmez ng Turkey, sa score na 6-1, 6-3.

Sunod niyang tinalo si World no. 54 Hailey Baptiste ng America sa tatlong set 6-7, 7-6, 6-1.

Ngayong lunes naman, sasagupain ni Eala si World no. 61 Lucia Bronzetti ng Italy sa main draw.

ADVERTISEMENT

Huling pagsubok ni Eala ang Eastbourne, bago ang Wimbledon grand slam sa June 30 hanggang July 13, na kanyang unang major sa grass court.

Congratulations and goodluck, Alex!

What do you feel about this article?