
Tinawag na pro-China ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pamilya Duterte kasunod ng pambabatikos ni Vice President Sara Duterte sa foreign policy ng pangulo.
Sa bagong polisiya ng administrasyon Marcos Jr, pinahihintulutan ang United States na magpasok ng missile system sa Pilipinas — bagay na ikinagalit ng China.
Sinabi ni VP Sara na hindi dapat kinikilingan ng Pilipinas ang isang foreign power gaya ng US, at hindi dapat makisali ang bansa sa gitgitan ng US at China.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, inasahan na ni President Marcos Jr ang pambabatikos ni VP Sara sa naturang foreign policy.
“The President said, we expect that from the Dutertes because they are pro-China,” aniya.
Mababatid na tikom noon si VP Sara pagdating sa usapin ng West Philippine Sea at harassment ng China sa mga mangingisdang Pilipino maging sa hukbong pandagat ng Pilipinas.
ADVERTISEMENT
Pero sa isang Free Duterte Rally sa Melbourne, Australia, nagbago ang ihip ng hangin para kay VP Sara nang tuligsain niya ang foreign policy ni President Marcos Jr.
Nagsagawa doon ng rally si VP Sara at mga Duterte supporter para ipanawagan ang paglaya ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nakatatandang Duterte ay nakapiit sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands dahil sa crimes against humanity kaugnay sa madugong drug war ng nakaraang administrasyon.
ADVERTISEMENT
