Nangangailangan ng 275 milyong piso ang Marawi City para matapos ang isang 10 building education complex na makatutulong sa libo-libong mag-aaral na makabalik sa maayos na silid-aralan.
Ayon kay Lanao Del Sur Governor Mamintal Adiong, bagama’t tapos na ang pagggawa ng isang 10 four-story school buildings na may 200 classrooms hindi pa ito nagagamit dahil walang perimeter fence at mga utilities.
Giit ng DepEd hindi pwedeng buksan ang paaralan nang walang bakod.
Habang nangako ang Department of Public Works and Highways region 10 na maitatayo ang pader sa loob ng anim na buwan.
Kabilang sa halagang 275 milyon ang paggasta para sa footbridge pathwalk gymnasium, at admin building, ayon kay DepEd division superintendent Anna Unte-Alonto.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, nasa palengke pa rin nagkakklase ang mahigit pitong daang estudyante
mula kinder hanggang senior high na kulang sa pasilidad gaya ng CR at ceiling.
Matatandaang nawasak ang marawi noong 2017 matapos ang limang buwang giyera kontra Maute Terror Group.

