
Isang motorcycle rider ang nawalan ng malay matapos mabagsakan ng sanga ng puno sa kahabaan ng Old Zigzag Road sa Pagbilao, Quezon.
Ayon sa ulat, isang unggoy umano ang bumitin sa naturang sanga, dahilan upang ito ay mabali at bumagsak sa dumaraang motorista.
Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima matapos ang insidente.
Nagpapasalamat naman ang mga residente sa mabilis na pagresponde ng Barangay Tanod at POC ng Malicboy, Pagbilao.
ADVERTISEMENT
Patuloy ang paalala sa mga motorista na maging alerto sa mga lugar na may makakapal na puno at posibleng presensya ng wildlife.

